1. Pagiging maingay
Ito ay dahil sa paniniwalang itinataboy nito ang masamang espiritu o bad vibes palayo sa iyong bahay o pamilya. Malakas na tugtog, ingay ng mga lata, kinakalembang na mga kaserola, anumang pampaingay pwede iyan.
2. Pagtalon sa pagsapit ng alas-dose ng gabi bago mag-uno
Ito ay isa sa mga Filipino New Year Traditions na parating ginagawa ng mga bata at maging mga isip-bata 😀. Ito ay sa paniniwalang sila ay mas lalong tatangkad.
3. Pagkain ng malagkit na kakanin
Sa pagkaing malagkit, ginagawa nitong swerte ang pamumuhay, kumakapit ang swerte sa buhay ng isang tao. Isa pang paniniwala dito ay tulad ng katangian ng malagkit na kakanin, ginagawa rin nitong dikit-dikit ang magpapamilya o kaya ay nagiging mas matibay ang relasyon ng bawat isa.
4. Pagkakaroon ng 12 bilugang prutas
Siguradong isa sa mga Filipino New Year Traditions na kahit mga Pilipinong nasa abroad ay ginagawa ito. Ang mga bilog na bagay ay isa sa mga pinaniniwalaang magdadala ng yaman o swerte sa pamilya sa bagong taon. Kaya naman sa lamesa ay mapupuno ito ng mga prutas tulad ng watermelon, dalanghita, oranges, ubas, pear, at marami pang mga bilugang prutas.
5. Pananatilihing bukas ang mga bintana at pintuan.
Ang mga bukas na bintana at pintuan ay para salubungin at swreteng dala ng bagong taon, pinaniniwalaang papasok ang mga biyaya sa mga bukas na pintuan at bintana, maalala ko noon, ang sabi ng lola ko, huwag mong pagsarhan ang biyayang paparating sa iyo.
6. Pagsu-suot ng polka-dots.
katulad rin ito ng bilugang prutas, ang disenyonitong bilugan ay magdadala ng swerte sa iyong buhay.
7. Huwag magwawalis sa mismong araw ng new year.
Bago pa man ang pasko, abala na ang lahat sa paglilinis hanggang sa araw bago bagong taon. Ngunit pagsapit ng mismong araw ng bagong taon, ikaw ay hindi dapat magwalis para hindi mo mawalisan o maitaboy ang mga biyayang paparating s iyo.
8. Pagkain ng pansit.
Hindi lang ito kabilang sa mga Filipino New Year Traditions, kahit saang okasyon, may pansit pa rin kasi naniniwala ang mga Pilipino na pampahaba ito ng buhay, at sasabihin din sa iyo na kapag magluluto ka ng pansit huwag mong puputulin.
9. Panatilihing puno ang iyong bulsa ng pera.
Ito naman ay para masigurong sa buong taon ay may lamang ang iyong bulsa o kaya ay pitaka.
10. Dapat kompleto ang pamilya.
Ito ay para sa kasiguruhan din na sa buong taon, magkakasama pa rin ang lahat na puno ng pagmamahalan.
Masaya at mas engrande ang pagsalubong ng mga Pilipino sa bagong taon kumpara sa pasko. Ngunit importante dito ay walang anumang paniniwala o mga pamahiin ang magbibigkis sa isang matatag na pamilyang Pilipino, ito ay mas pagtitibayin ng pagmamahal sa bawat isa. Ang mga Filipino New Year Traditions o mga paniniwalang ito ay dagdag kasiyahan lamang ngunit sa likod nito ay ang pag-asang ang susunod na taon ay magiging mas maayos para sa isat-isa.
Mula sa amin sa Mabuhay Travel Manigong Bagong Taon sa inyo mga KABABAYAN!
Para sa anumang mga pangangailangan para sa iyong panghimpapawid na paglalakbay, ikaw ay maaring makipag-ugnayan sa amin. Makakasiguro kang ang aming mga alok na flights to the Philippines at sa ibat-ibang destinasyon nito ay protektado, secured and iyong booking at mga binayaran mo, walang mga hidden fees at higit sa lahat alok namin ang mga best price para sa iyong flight. Kami ay kompleto sa anumang mga sertipikasyon na gumagabay sa air travel, rehistrado sa ABTA, ATOL protected, IATA registered.
Makipag-ugnayan sa aming koponan para sa inyong mga flights to the Philippines.