Mabuhay Moments

My Early Summer Holiday dip at Puerto Galera

Hindi ba masyadong maaga upang pumunta sa beach sa Octobre? Oooopppsss … para sa akin its perfect time of the year..

Ang biglaang pagplano para magpunta sa Puerto Galera ay di ko pinagsisihan dahil sa ganda nang lugar at linaw nang tubig dagat kahit na medyo akoy nenerbyos sa laot dahil sa halos apat  (4 hours) na oras na beyahe sulit naman at talagang napakaganda nang lugar, kahit hindi summer o buwan ng tag-init basta maganda ang panahon ikaw ay makakalikha nang karanasan hindi mo malilimutan hayaan nyong ibahagi ko sa inyo, kaya halinat planuhin din ang iyong sususnod na bakasyon sa Pilipinas tumawag sa Mabuhay Travel para sa pinaka mababang airfare ticket at holiday packages.

 

 

Pag tapak mo pa lang sa Puerto Galera Bay (pinarangalan ng UN na isa na may pinakamagandang baybayin sa mundo) talaga po naman akoy namalikmata sa ganda nang tanawin mula sa Muelle Pier.

Na aming dinaungan ay napakatahimik at ang  marangyang tanawin ang sasalubong sa iyo at ang mga nakahanay na mga yate sa pantalan nang Catamaran they are really beautiful. Mula sa pier may higit ilang minutong beyahe sa aming tunay na destinasyon ang Manor sa Puerto Galeria. Halos di ako makapaniwala sa aking nakikita itoy nasa tuktuk nang isang burol sa gitna ng gubat, napakaganda ng lugar at masarap ang pagkain sa restaurant, may swimming pool at Jacuzzi din. Dito naming ginugol ang unang gabi sa Puerto Galera, mga huni ng ibon at mga maiingay na kroak ng mga palaka ang aaliw sa iyong pag tulog.

 

 

Kinabukasan ang Island hooping naman an aming inatupag napakaganda at mayaman talaga ito sa marine biodiversity. Binisita naming ang Kuweba sa ilalim ng dagat at dito mo makikita ang kulay turkesa na tubig. Nagpunta rin kami sa lugar kung saan mo makikita ang mga higanting clams its really amazing to see this creatures.

 

 

Dapit hapon nang kamiy magsiligo sa napakalinaw na tubig dagat hindi sya maalon kalmado lang ang tubig at ang sarap nang pakiramdan nakakawala ng stress. Mayroon itong malinis na tubig at mahusay na backdrop ang  likas katangian nang baybayin.

 

 

Bukod sa paglalakad sa isla, maaari ka ring maglaan ng ilang oras upang  maupo sa may baybayin at pagmasdan ang napakagandan paglubog nang haring araw (sunset) kung saan maari kang magkaroon ng katahimikan upang mag isip at maglinay linay nang ng ilang  bagay tungkol sa buhay .

Napakaganda ng Puerto Galera ayaw ko na sanang magbigay ng compliment pero nais kung maranasan din ninyo ang walang katumbas na kasiyahan at karanasan na maibibigay sa inyo at sa buong pamilya kaya sa susunod ninyong bakasyon isali sa inyong itinerary ang lugar na ito at sinisiguro kung di ninyo pagsisihan na makita ang lugar na ito at sa ganda ng beaches na super linis at syempre ang mabubuting mamayan dito they are really amazing people.

Book your holidays sa Mabuhay Travel at sinisiguro namin na ikaw ay aming paglilingkuran ng higit sa iyong inasahan. Tawag lang po sa 02035159034, hanapin din kami sa WhatsApp, Facebook.

 

By: – Imelda Besa

 

Article Approved By: – Elma

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Elma

Ako ay masayahin at palakaibigan ,Mahilig ako sa adventura, mamasyal sa mga magagandang lugar at mapagmahal sa kalikasan,gusto kung ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa mga lugar na alam kung gusto nyo ring marating lalo na sa ating BAYAN PILIPINAS. Isa ako pa pinakabagong tagapagsulat nang artikolo para sa MABUHAY TRAVEL BLOG.

You Recently Viewed ...

Naging masaya sa bawat oras: pasyalan ang nais!

BATANES ISLAND/New Zealand of the Philippines

Last Summer Hooray (Island Garden City of Samal)

Snake Island – Isla Ng Mga Ahas

Ang hindi malilimutang karanasan nang aming bakasyon sa tulong nang Mabuhay Travel

LEAVE A COMMENT