Beaches/ Islands busuanga

Ang Pagsulong ng Danjugan Island in the Philippines

Ang Danjugan Island in the Philippines ay isang 43-ektaryang (110-acre) na isla sa ilalim ng nasasakupan ng Cauayan, Negros Occidental. Ang isla ay nasa ilalim ng pangangalaga ng The Philippine Reef and Rainforest Conservation Foundation, Inc. (PRRCFI) na naglalayong itaguyod ang kamalayan sa proteksyon ng biodiversity sa pamamagitan ng ecotourism.

 

Interesting facts about Danjugan island in the Philippines

 

Interesting facts about Danjugan island in the Philippines

 

5 lagoons.

Ito ay may 5 lagoon na nagsisilbing tahanan para sa ibat ibang mga species ng wildlife na umuusbong sa mismong isla. Tatlo dito ay land-locked; ang iba pang dalawa ay nababaha tuwing may high-tide. Ang mga lagoon na ito ay madaling galugarin at maraming mga species ng corals at isda ang nagkaroon ng tahanan dito.

 

Diverse o ibat- ibang Wildlife.

Kahit na sikat bilang isang reserba sa dagat, ang isla ay natatakpan din sa malago at mayabong na rainforest. Matatagpuan sa isla ang 72 mga species ng mga ibon kabilang ang mga sea eagles at ang mga ibon ng Tabon scrub at mga paniki. Maaari mo ring makita ang ilang mga species ng iba pang mga hayop tulad ng mga coconut crabs at ahas. Meron ding 22 na mga butterfly species (na may Pachliopta phlegon na naitala sa kauna-unahang pagkakataon sa Negros Occidental). On this island in the Philippines ay naitala din ang 17 species ng mangroves na nagsisilbing tahanan din ng iba pang mga specie.

 

Snorkelling Paradise.

Ang isla ay napapalibutan ng malalagong mga coral reef at damong dagat. Matatagpuan ang isang malawak na hanay ng mga lamang dagat ng isda (kabilang ang mga maliit na pating), mga pagong at higanteng mga clam. Sa katunayan, naitala ng mga siyentipiko ang 579 species ng mga isda at 244 na species ng corals sa isla. Sa dami ng inaalok ng islang ito hindi mo na kakailanganing mag-scuba diving sapagkat madami kang makikitang kahit snorkeling lang.

 

Solar-powered.

Gamit ang yaman ng mahal na araw, ito lamang ang nagsisilbing enerhiya sa buong lupain. Layunin nito na mapanatili ang mababang carbon footprint hangang kaya kaya’t ito naman ay  one-of-a-kind experience on this island in the Philippines.
This amazing island in the Philippines has lot to offer gaya ng:

 

Snorkeling

Mayroong snorkeling gear na maaring gamitin habang nasa isla. 

Kayaking

Mga bughaw na lagoon ang babati sa inyo habang kayo ay nasa kayak. Ito ay first come first served basis.

Trekking

Maraming mga daanan sa paligid ng isla na tumatawid sa aming mga lagoons, bat cave, watchtower (na nagbibigay ng isang 360 degree na view ng isla), birdwatching viewdeck, beach, at higit pa! Mararanasan ang paglalakad patungo sa aming limestone at mga kagubatan ng bakawan, at ang malapitang karanasan sa kalikasan.

 
Bird Watching

on this small island in the Philippines na may 73 species ng mga ibon, magsasawa ang iyong mga mata sapagkat para na itong kanlungan sa mga ibon. Ang isla ay isang sanktuwaryo para sa mga nesting pair of white-breasted sea eagles, ang bihirang Tabon scrubfowl, at mga makulay na kingfisher at pigeons, ay ilan lamang. Ang mga binocular ay magagamit para sa mga panauhin na nais maghanap para sa mga kamangha-manghang mga hayop na ito.

 

Sailing

Sailing lessons o kaya ay simpleng pamamangka lamang ay maari mo ding gawin sa isla.

Noon ang islang ito ay halos masira sa kadahilanang ang ilan sa mga mandaragat naging mapang abuso sa kalikasan. Ngunit pagkatapos na ito ay gawig protektadong lugar, ito na ngayon, ang isla ay nagsisilbing isang panlabas na silid-aralan para sa mga mag-aaral, isang lugar ng pananaliksik para sa mga conservationist, at isang kanlungan para sa turista na sabik na makaranas ng purong kalikasan. Ang mga turistang bumibisita dito ay nagagalak na bumalik ulit sa napakagandang islang ito. But take note that this island in the Philippines is not a resort, ngunit isang santuario kung saan makakahanap ng katahimikan at karanasang malayo sa urbanidad at mga modernong luho.  

Maraming sanctuary ang Pilipinas, nandyan ang wildlife sanctuary sa Busuanga, ang Philippine Tarsier sa Bohol at marami pa. This island in the Philippines is one of a kind, kayat sana tayo ay magkaroon ng disiplina habang tayo ay nasa isla, alalahanin natin na ito ay isang santuaryo. Ipinapalala din ng namamahala na gamitin ng wasto at maging matipid sa paggamit sa tubig. Ang karanasan habang nasa isla ay mas nagiging memorable sapagkat ito ay back to basic experience.

 

Laging may sorpresa ang Pilipinas para sa mamayan nito at mga lokal. Tayo nang tumawag at makipag ugnayan sa aming mga friendly Filipino travel consultant. Ang Mabuhay Travel ay siguradong may sorpresang cheapest airfare at best deals para sa iyong paglalakbay. 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Virgin Islands in the Philippines

Where are the Virgin Islands in the Philippines?

Diving sites in Luzon

Diving Sites in Luzon, Philippines

Best islands in the Philippines

Hopping to the Best islands in the Philippines

Book Cheap Flights to Philippines at Bisitahin ang isla ng Busuanga

Book Cheap Flights to Philippines at Bisitahin ang isla ng Busuanga

Best Honeymoon Destination: Lets Cheers to The World’s Prettiest Island of Philippines in 2020!

LEAVE A COMMENT